Friday, July 24, 2015

Salamat Pa Rin

I.
'Di ko naisip na mawawala ka pa
Buong akala ko ngayon ay tayong dalawa
'Di ko naisip may ibang pangarap ka
Sana'y di na pinilit pa

II.
Bakit'di pinalad ng tadhana na ibigay na ang hiling
Gusto ko lang maranasan ang ibigin at
Magmahal muli

Koro:
Salamat pa rin at ika'y dumating
'Di ko inakalang gan'tong mangyayari
Salamat pa rin at ika'y nagsilbing panandaliang
Sagot sa 'king panalangin
Salamat pa rin
Aah... aaah.... aaah....

III.
'Di ko akala na magbabago ka
'Di ko napansin nagmukha na akong tanga
Sana sinabing iniisip mo pa s'ya
Nagparaya na sana no'ng una pa

IV.
Bakit 'di pinalad ng tadhana na ibigay na ang hiling
Gusto ko lang maranasan ang pag-ibig mo hanggang sa huli

(Ulitin ang Koro 2x)

Coda:
Salamat pa rin...

Umasa

I.
Nagtatanong
Bakit kay hirap ngang
Kalimutan ang nakaraang
Pag-ibig na sinapit ko sa'yo
Ayaw bumitaw

II.
Nagtataka
Sa sarili susundin ko
Ba ang puso ko
Na ika'y hagkan at
hanapin upang
Halikan ang  mga labi

Koro:
Alaala mo'y 'di mapapantayan
Ng kung sino
Gugunitain lahat ng mga yakap
at hikbi nung tayo'y magkasama't
Magkapiling sa tuwina
At masaya

III.
Isasambit
AAng 'yong pangalan
Iguguhit sa alapaap
Baka sakali lang na mapansin
At nang ikaw ay bumalik

IV.
Bakit nga ba
Natapos dito
Pag-ibig na ipinangako
Sa isa't isa, wala na bang
Nananatiling pag-asa?

Koro:
Alaala mo'y 'di mapapantayan
Ng kung sino
Gugunitain lahat ng mga yakap
at hikbi nung tayo'y magkasama't
Magkapiling sa tuwina
At masaya


Bridge:
Ito ang ipinipilit
Ang umasang muling lalapit
'Pag nagmamahal
Hindi iniisip
Kung masasaktan
Umasa... umasa...

Tuesday, July 14, 2015

Somehow You've Won My Heart

I.
Somehow you've won my heart
Somehow I've learned to forget
Who I live for and who I wait for
But you give me haunted space to wander

II.
I'm awfully crucified on high
Rats gnaw me in whole while still alive
I don't know where this goes
'Dont know, will this ever grow?

Chorus:
I'm thereover, asking for cover
Don't let this fall apart
'Cause somehow you've won my heart
I hear your voice, it sounds like ghost
You do not kill the trust
'Cause somehow you've won my heart

III.
Rock away my fears, can you?
Whisper what I need to hear, will you?
Love is no business, no-no business
No experiment? Your arm lingers

(Repeat chorus)

Bridge:
Don't you ever negotiate with me
You'll not like the rational side of me
Don't play if you don't even know the game
Because a brokenhearted has no shame

(Repeat chorus)

Coda:
Love is never negotiable