Friday, July 24, 2015

Salamat Pa Rin

I.
'Di ko naisip na mawawala ka pa
Buong akala ko ngayon ay tayong dalawa
'Di ko naisip may ibang pangarap ka
Sana'y di na pinilit pa

II.
Bakit'di pinalad ng tadhana na ibigay na ang hiling
Gusto ko lang maranasan ang ibigin at
Magmahal muli

Koro:
Salamat pa rin at ika'y dumating
'Di ko inakalang gan'tong mangyayari
Salamat pa rin at ika'y nagsilbing panandaliang
Sagot sa 'king panalangin
Salamat pa rin
Aah... aaah.... aaah....

III.
'Di ko akala na magbabago ka
'Di ko napansin nagmukha na akong tanga
Sana sinabing iniisip mo pa s'ya
Nagparaya na sana no'ng una pa

IV.
Bakit 'di pinalad ng tadhana na ibigay na ang hiling
Gusto ko lang maranasan ang pag-ibig mo hanggang sa huli

(Ulitin ang Koro 2x)

Coda:
Salamat pa rin...

No comments:

Post a Comment