Monday, June 22, 2015

Kaibigan

I.
Sa iilang oras nating kwentuhan
Sa bawat istorya sa 'ting mga tagpuan
Sa mga araw hindi magpapaawat
Sa kulitan itong ating samahan

II.
Ilan na ba'ng lungkot ating napagsaluhan
Mga bagay na laging pinag-aawayan
Ngunit kahit 'di magkaintindihan
Walang bibitiw sa barkadahan

Chorus:
Sabay tayong sisigaw, kaibigan!
Tayo ay iisa, kahit iba-iba
Walang maiiwanan sa
Trip ko, trip mo
Kahit pa abonado
Kahit pa libre mo
Sagot ko na ang kwento mo

III.
Minsan na nga tayong nagkatampuhan
Hindi din naman ito mapipigilan
Awit mo, parte na ng buhay ko ngayon
Sa agos ng buhay, sabay tayong aahon

(Repeat Chorus)

Bridge:
May itatagal pa ba ang ating samahan
Kung ang pag-ikot ng mundo'y 'di mapipigilan
Mga awitin nating pinagsasaluhan
Kung sakaling magkalayo
Tinig mo'y hahanapin ko

(Repeat Chorus)

Coda:
Kaibigan, kaibigan, kaibigan


(THIS SONG IS DEDICATED TO "ONE VOICE")

1 comment:

  1. One of my favorite songs I have written so far; to One Voice, to my second family, I love you with all of my hypothalamus!

    ReplyDelete