Monday, June 15, 2015

Pag-ibig

I.
Sa paglipad ng ibon sa himpapawid
Isasabay ko ang mga salita sa hangin
Sa bawat pagpatak ng ulan
Kasabay mapapawi ang luha

II.
Tinig mo'y maririnig sa saliw ng musika
Pari't-parito mga yakap mong bubuo
Sa tanging mundo kong nahihimlay
Sa mga panahon nating magdadaan

Koro:
Naghihintay ang pag-ibig
Naghihintay ang tunay na nagmamahal
Hindi marunong mapagod
Hindi marunong magsawa
Nagbibigay ng higit
Walang tinatanggap na kapalit
Hindi mapapagal ang nagmamahal nang mag-isa
'Pagkat ang mabuhay sa pag-ibig ay isang biyaya

III
Kapag natagpuan, di ka na iiwan
Kakapit, sisigaw, ipaaalam ko sa lahat
Kasabay ng pagtanda ng buwan
Ang pagyabong ng nararamdaman

Koro:
Naghihintay ang pag-ibig
Naghihintay ang tunay na nagmamahal
Hindi marunong mapagod
Hindi marunong magsawa
Nagbibigay ng higit
Walang tinatanggap na kapalit
Hindi mapapagal ang nagmamahal nang mag-isa
'Pagkat ang mabuhay sa pag-ibig ay isang biyaya

Bridge:
Habang may dugong dumadaloy
Habang ang ilog ay umaagos
Habang may musikang mabubuo
Habang nandirito sa mundo
Pag-ibig ko'y hindi maglalaho
Sasabay sa pag-ikot ng mundo

Koro:
Naghihintay ang pag-ibig
Naghihintay ang tunay na nagmamahal
Hindi marunong mapagod
Hindi marunong magsawa
Nagbibigay ng higit
Walang tinatanggap na kapalit
Hindi mapapagal ang nagmamahal nang mag-isa
'Pagkat ang mabuhay sa pag-ibig ay isang biyaya

Coda:
'Pagkat ang mabuhay sa pag-ibig ay isang biyaya
Sapagkat ang pag-ibig ay biyaya

1 comment:

  1. This song is for someone I may have never met yet, but, I know, will make me feel the true worth of patiently waiting for his unconditional love.

    ReplyDelete